Pastor Apollo, pinangunahan muli ang pagkapanalo ng ACQ-All Stars sa friendly basketball match sa Davao City

Pastor Apollo, pinangunahan muli ang pagkapanalo ng ACQ-All Stars sa friendly basketball match sa Davao City

GAME night nitong Lunes ng gabi para kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Jose Maria College Foundation Inc. Sky Gymnasium at sa unang quarter pa lang ay pinakita na nito ang kaniyang signature three-point shots.

1st quarter pa lang ng laro ay pabor na agad sa ACQ All Stars ang laban matapos makakuha agad ng apat na 3-point shots, free throw at assists si Pastor Apollo.

Para naman sa half-time break ay isang espesyal na sayaw ang handog ng Kingdom Children Growth School (KCGS) na may panawagan ng kapayapaan at pagmamahalan sa gitna ng umiiral na hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine.

Matapos nito ay patuloy na uminit ang laro habang lumiliit ang pagkakataon ng ACQ Selections na humakot pa ng puntos.

Patuloy naman ang lamang ng ACQ All Stars dahil sa 3-point shots ni Pastor Apollo sa huling quarter ng laro.

Sa huli, panalo pa rin ang ACQ All Stars na may score na 113 laban sa 98 points ng ACQ Selections.

Samantala, nakakuha naman si Pastor Apollo ng 64 points na may nineteen 3-point shots, limang free throws, apat na assists, at isang 2-points at rebound.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble