Pastor Apollo, pinuri ang paninindigan ni Pang. Marcos sa interes ng Pilipinas

Pastor Apollo, pinuri ang paninindigan ni Pang. Marcos sa interes ng Pilipinas

PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa foreign policy.

“Mabuhay po kayo, Pangulong BBM, napakaganda po ng inyong statement na hindi kayo nagtatrabaho para sa interes ng ibang bansa kundi para sa interes ng ating bansang Pilipinas,” saad ni Pastor Apollo.

Sa statement ng Pangulo, sinabi nito na hindi siya nagtatrabaho para sa China o sa Estados Unidos.

Nanindigan ang Pangulo na nagtatrabaho siya para lamang sa interes ng Pilipinas.

 “When asked which side are you on, I said I don’t work for Beijing, I don’t work for Washington D.C. I work for the Philippines. So I’m on the side of the Philippines and that really translates into a very simple statement of foreign policy which is that I promote the national interest,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ani Pastor Apollo, ang pakikipag-ugnayan ni Pangulong Marcos sa ibang bansa ay nakatuon sa kung ano ang ikabubuti ng bansa.

 “Si Pangulong BBM, maliwanag din ang kanyang stand para sa atin. For the national interest. So, kung nakikipag-ugnayan man siya sa ibang bansa, it is not for their interest of those nation but for our interest.”

“Ano ang makukuha natin kung tayo’y makikipag-ugnayan sa bansang ito para sa interes ng ating bansa.”

“Bahala na sila sa sariling interes nila, para sa atin, ganito. So mabuhay po kayo Pangulong BBM sa inyong statement na nakapagpapataba ng aming mga puso,” pahayag pa ng butihing Pastor.

Sa usapin naman ng investment pledges ng Pangulo, ito ang naging komento ng butihing Pastor.

“Ang Pangulo naman bilang pangulo natin, may mga prayoridad yan, may mga priority projects, at ang kanyang ginagawang priority ngayon ay ang magtipon ng mga investment na nagmumula sa ibang mga bansa kung ano ang magagawa nilang investment para sa atin dito,” dagdag nito.

Samantala, may pahayag naman si Pastor Apollo sa mga kritiko ng Pangulo.

“Sa mga kritiko, hayaan muna natin siya sa kanyang pamumuno’t pamamahala kung ano ang kanyang magiging desisyon dito. Maging patient tayo, maghintay tayo sandali kasi bagong bago pa man lamang naman siya sa kanyang panunungkulan. Wala pa ngang isang taon di ba. Pabayaan muna natin at tingnan natin kung paano niya isosolve itong problema lalong lalo na sa prime commodities like sugar and like ngayon yung ating sibuyas. Kung hindi kayo makapaghintay eh kayo na lang maging president,” aniya pa.

Panawagan ni Pastor Apollo na bigyan ng pagkakataon si Pangulong Marcos lalo na’t wala pang isang taon mula nang maluklok ang Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter