MAY reaksyon ngayon si Pastor Apollo C. Quiboloy kaugnay sa pagiging fiscalizer ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Marcos administration.
“Mayroon tayong nakikita ngayon. Pero, para sa akin, not really one of interest of the public that would demand at this time to create a friction. But the President can be very sure that in the coming days we will fiscalize,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
‘Yan ang pinakahuling pahayag ni dating Pangulong Duterte sa kung ano ang magiging role niya at ng partido PDP-Laban kung saan siya ang chairman sa Marcos administration.
Fiscalizer raw ang magiging role niya o tagapuna sa bagong pamamahala.
Pero paglilinaw ni PDP-Laban President Pepito Alvarez, si dating Pangulong Digong lamang ang magfi-fiscalize at hindi ang buong partido.
“Pero kami na bagong halal lang diyan at saka bagong hierarchy sa PDP-Laban, we cannot say that we are going to fiscalize. President Digong has all the right. Kasi doon sa house of PDP-Laban, hindi ko pa nga maayos-ayos eh hindi muna ako magfiscalize. Hayaan mo na si President Digong ang mag-fiscalize because he has all the right because he has all the support of 90% of us Filipinos. Kami wala kaming right to say that as of now,” ani Rep. Jose ‘Pepito’ Alvarez, President, PDP-Laban.
Pero sa kanyang live Spotlight program nitong Miyerkules, nilinaw ni Pastor Apollo na tama lamang ang pahayag ng dating Pangulo.
“Oo naman, kahit sinong administrasyon kailangan nila yun. Hindi naman sa paninira, hindi naman sa pagde-destabilized ng gobyerno, kundi kung may hindi nakikita ang administrasyon na nakikita ng Fiscalizer, ire-remind, pupunain at sasabihin, yun ang fiscalizing,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Saad pa ni Pastor Apollo, bahagi ng tunay na pamumuno ang pagkakaroon ng fiscalizer.
“Dapat’ yun sa check and balances natin para sa tunay na pamumuno at para ma-remind na talagang ang administrasyon ay may nagbabantay sa inyo. Kasi kung wala baka mang abuso diba?” dagdag ni Pastor Apollo.
Nauna namang sinabi ni dating Pangulong Duterte na susuportahan ng PDP-Laban ang Marcos administration.
Ang SMNI ay patuloy na magiging kaagapay ng pamahalaan sa pamamagitan ng nation building.