Pastor Apollo sa supporters ng ABS-CBN: ‘Wag sisihin ang Kamara, sisihin ang management ng network’

Pastor Apollo sa supporters ng ABS-CBN: ‘Wag sisihin ang Kamara, sisihin ang management ng network’

Sa kabila ng ingay sa social media ng mga supporters ng ABS-CBN ay pinayuhan sila ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom Of Jesus Christ na huwag sisihin ang pamahalaan sa sinapit ng nagsaradong network.

 

Sa Twitter ay sinisisi ng iilang netizens sa Kamara at kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyari sa pinakamalaking TV network ng bansa.

 

Matatandaan na una nang nagbabala si Pangulong Duterte na hindi bibigyan ng renewal ang ABS-CBN kapag mag-expire ang kanilang prangkisa ngayong 2020.

 

Pero para kay Pastor Apollo, malinaw ang mga ginawang paglabag ng ABS-CBN sa batas batay sa inilatag ng House Committee on Legislative Franchise sa nangyaring labing tatlong pagdinig sa Kamara.

 

Sa live telecast ng programang Sounds of Worship ng Hulyo 12 ay ipinunto ni Pastor Apollo na ang dapat sisihin sa sinapit ng prangkisa ng ABS-CBN ay ang kanilang mismong management dahil sa kapabayaan.

 

“And if you have anyone to blame it is not the people, it is not the congressmen who denied your franchise, it is not them they just following the law. And you cannot blame those people who are there to implement the law. Blame your leader because he did not do his paperwork in a manner where everything will be alright. They did not do their job. The leadership of your network did not do their job well. They did not, they neglected it. They took you for granted. So, you look at them and pray for them. They are the once at fault and it affected all of you. And if you have anyone to blame, don’t blame the President. The President is just also implementing the law, he is the implementor of the law,” pahayag ni Pastor Apollo.

 

Kaugnay nito ay sinabi ni Pastor Apollo na sa kabila ng mga pangyayari ay kasama sa kanyang mga dalangin ang 11,000 na empleyado ng ABS-CBN.

 

“So we’ll pray that you will find another job until everything will be restored back but then you will have learned your lesson . So when you are given big favor like that, don’t take it for granted. Be kind and humble, that is the lesson. Be kind and humble,” dagdag ni Pastor Apollo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.