PARA kay Pastor Apollo C. Quiboloy, mga trader, hoarders at smugglers ang may pakana ng mataas na presyo ng sibuyas.
Kaugnay nito, nanawagan si Pastor Apollo na hulihin ang mga smuggler na nasa likod nito.
Ito ang nakikita ni Pastor Apollo na may pakana sa sumisirit na presyo ng sibuyas.
“At itong mga traders, itong mga hoarders. Ang mura ng sibuyas. Ngayon bakit nila ginagawa ito? Because of greed, because of love of profit na at the expense of the people,” ang pahayag ni Pastor Apollo.
Giit pa ni Pastor Apollo, sa sobrang mahal ng sibuyas ay tila hindi na ito maituturing na gulay kundi alahas.
“‘Yung onion nga ngayon taas nang taas. ‘Di pa yata naapula ang pagkataas kaya ‘pag nagbibigay ka ng regalo ngayon– malimit ang binibigay natin chocolate, ‘pag ka binuksan ng binigyan mo sasabihin, ‘ay chocolate pala, akala ko sibuyas’ dahil ang sibuyas hindi na siya category ng vegetable. Jewelry. Mahal na,” dagdag ng butihing Pastor.
Pastor ACQ, nanawagan sa pamahalaan na hulihin ang mga smuggler ng sibuyas
Samantala, nanawagan si Pastor Apollo na hulihin na ang smugglers imbis na ang mga flight attendant na nasita kamakailan.
“Ito namang mga stewardess na nagdala ng tig-dadalawang kilo atang onion, bakit po ninyo hinuli? Consumption nila ‘yan, ang mahal kasi dito,” wika ni Pastor Apollo.
“Hulihin ninyo mga smuggler na nagpapamahal ng ating mga sibuyas. Bibilhin nila 80-100 pesos o 160 pesos per kilo, ipagbibili nilang 700-900/kilos. ‘Yan ang dapat hulihin, yan ang dapat kasuhan,” aniya.
Matatandaang Enero 14 nang masita ang 10 flight attendant ng Philippine Airlines dahil sa pagdadala ng kilo-kilong mga sibuyas at iba pang gulay.
Sa huli, hiling ni Pastor Apollo na matutukan na ng eksperto at bumaba na ang presyo ng sibuyas upang makinabang at hindi na malugi pa ang mga magsasaka.
“Ngayon ang kasalukuyan, ang ating agriculture secretary ay ang atin ding pangulo at magtatalaga din yata siya ng bagong agriculture secretary. So, hintayin natin at idalangin natin na ito ay matutukan ng mga eksperto diyan sa DA at mapababa ang presyo at makinabang naman ang ating mga farmers. Hindi malulugi ang mga farmers natin,” aniya.
Matatandaang sa isinagawang pagdinig sa Senado, ibinulgar ni Elvin Austria Laceda, CEO at Founder ng Riceup Farmers Incorporated, na 5 magsasaka na ang kinuha ang sarili nilang buhay dahil sa matinding pagkalugi.