Pastor Apollo, tiniyak na walang papanigang kandidato ang SMNI sa gagawing serye ng debate

Pastor Apollo, tiniyak na walang papanigang kandidato ang SMNI sa gagawing serye ng debate

TINIYAK ni Pastor Apollo C. Quiboloy na walang papanigang kandidato ang SMNI sa gagawing serye ng debate.

Siniguro ni Pastor Apollo sa mga manonood na magiging patas ang SMNI debates sa lahat ng kandidatong dadalo sa naturang event.

Lahat aniya ng mga aspirants sa presidential debate ay inimbitahang dumalo sa Okada at ang mga tanong sa debate ay magiging batay lamang sa mahahalagang isyu ng bansa at hindi personal na pag-atake.

‘’Pantay naman ang kanilang pagtingin sa lahat ng mga presidentiables. In fact, ‘yung ibang presidentiables na nasa balota, ay ininvite na rin natin para sa debate,’’ayon sa butihing Pastor.

‘’Ang mga moderators natin, ang questions nila walang kini-cater na politiko, issue lahat. It is issue-based, no personal-based, issue-based lahat. Kung ano ang issue ng bansa, ‘yun ang dapat sagutin ng bawat kandidato,’’saad ni Pastor Apollo.

Matatandaan na hangad ni Pastor Apollo na sa pamamagitan ng SMNI Debates 2022 ay maipaabot ng mga kandidato sa mga manonood ang kanilang mga pangarap para sa  sambayanang Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter