UMAASA si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
“Ngayon ang nakatagong katotohanan sino ang nag-utos? Sino ang Mastermind? At ano ang motibo ng mastermind bakit pinapatay sya? Ito ba’y purely political?” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Umaasa si Pastor Apollo C. Quiboloy na mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ani Pastor Apollo, malinaw ang katotohanan na pinasok si Degamo sa kaniyang lugar ng isang ng armadong grupo at pinatay.
Hinggil naman sa akusasyon at sa ibinunyag ng mga nahuling suspek na si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnie Teves ang nasa likod ng krimen.
“Ito ba’y tulad ng mga ikinakanta nung mga nahuli na si Congressman Teves ang mastermind, hihimayin pa ‘yun, titingnan pa ‘yun. Meron syang right to answer at tiyak na sasagutin nya, akusasyon pa lang ‘yun, kahit na merong mga witness na ganyan, hindi pa ‘yan maliwanag kung ano talaga ang katotohanan sa mga nangyayari. So ‘yun lang totoo ngayon na nakita natin na may nahuli daw at nahuli na at kinanta na si Congressman Teves daw ang mastermind. ‘Yun ang mga nakalahad na nasa labas na alam natin, pero may mga bagay pa na malalim na kelangan natin malaman na kung bakit, ano ‘yung motibo at bakit at iyon ang dapat natin himayin, malaman pa ‘yan sa susunod na mga araw,” dagdag ni Pastor Apollo.
Ang akusasyong ito kay Teves ay inihalintulad naman ni Pastor Apollo sa kaso ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na itinuturong umano’y mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
“Tulad din ng case nila ni General Bantag, tagal-tagal na ‘yun sa pagkapatay ni Lapid, ngayon lilitaw at lilitaw ang kaliwanagan ng totoo kung ano man ‘yun eh may korte naman tayo, ‘yan meron syang right na kumuha ng abogado, akusado sya ng mga supposedly mga gun men ay sya ang kinanta meron syang right na kumuha ng abogado,” ayon pa sa butihing Pastor.
“So allegations pa lang ‘yun, accusation pa lang, hindi ibig sabihin na guilty na sya kahit pa na akusado sya, kahit pa ang kinanta yung pangalan nya,” dagdag ni Pastor Apollo.
Pastor Apollo, hinimok ang pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang peace and order
Sa huli, muling ipinunto ni Pastor Apollo ang kahalagahan ng peace and order.
Ani Pastor Apollo, dapat pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno dahil posibleng makaaapekto ito hindi lang sa ekonomiya ng Pilipinas at sa pagpasok ng mga investor kundi maging sa turismo ng bansa.
Sinabi rin ni Pastor Apollo na dapat ay paigtingin pa ng Pambansang Pulisya ang police visibility.
“Yun ang sinasabi ko na napakahalaga ng peace and order, number one ‘yan. Tingnan mo ‘yung mga bago kay Gov. Degamo, may ambush doon sa Norte no sa Luzon, namatay ata ‘yung Vice Mayor. Inambush din si Gov. Idiong si Mayor ba ‘yan? Mayor Idiong ba ‘yan? At iba pa no, meron pang mga ambush ambush, apat na ‘yung nangyari, kaya napakahalaga ‘yung peace and order dapat paglaanan ‘yan, bigyan ng pansin kasi makasira ‘yan sa di lang sa ating ekonomiya kundi mga investors na papasok dito, matatakot. Ang mga turista, matatakot din, may karahasan lalo na ganyang bagay ang maririnig nila. Ang mahalaga na paigtingin ang kapulisan, bigyang order ang mga pulis na talagang there it should be police visibility at hindi sila magkukulang sa kanilang trabaho,” pagtatapos ni Pastor Apollo.