Pastor Apollo, wawasakin ang mga kalaban ng estado

Pastor Apollo, wawasakin ang mga kalaban ng estado

WAWASAKIN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Kasunod ito sa pagbasura ng Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Malagar sa petition for proscription ng Department of Justice (DOJ) laban sa CPP-NPA noong 2018 para maideklara ang mga ito bilang teroristang grupo.

Kasabay na rin ng pahayag ng naturang judge na umano’y common crime lang ang ginagawa ng teroristang grupo.

Binigyang-diin pa ni Pastor Apollo na hindi niya titigilan ang laban kontra CPP-NPA-NDF hanggang sa tuluyang mawasak ang itinuturing  salot ng lipunan.

Binanatan din ni Pastor Apollo ang mga aktibistang namumundok at nag-aarmas para kalabanin ang gobyerno.

Kung ang CPP-NPA aniya ay mga aktibista na kinakalaban ang pamahalaan, sinabi ng butihing Pastor na aktibista rin siya subalit para sa katotohanan.

Sa kanyang programang Spotlight nitong Biyernes, sinabi pa ng butihing Pastor na gagamitin niya ang kanyang broadcasting network para ipalaganap at ipaalam sa buong bansa ang katotohanan hinggil sa CPP-NPA-NDF.

Follow SMNI NEWS in Twitter