IPINANGAKO ni senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy na magiging tagapagbantay siya ng kaban ng bayan kung mahahalal bilang senador.
Aniya, titiyakin niyang ang pera ng mamamayan ay mapupunta sa mga programang makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
“Kung ako’y magiging Senador, ako ang magiging tagapagbantay ng pera ng bayan. Sisiguraduhin ko na ang pera ng mamamayan ay mailalaan para sa kaginhawaan at magiging tugon sa bawat pangangailangan.
Ako ang magiging pambansang konsensya o national conscience dahil naniniwala ako na walang bahid ng kurapsyon ang aking pagkatao,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Candidate.
Follow SMNI News on Rumble