PARA kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, paglapastangan sa soberanya ng Pilipinas ang pagpapakulong ng Marcos Jr. administration kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC), sa The Hague, Netherlands.
Sa isang pahayag, iginiit ni Pastor Quiboloy na spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na hindi nararapat kay dating Pangulo ang kaniyang sinapit sa dami ng ginawa nitong programa para sa mga Pilipino.
Katulad ng infrastructure projects, laban sa talamak na ilegal na droga, at sa komunistang teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF.
“Ito ba ay karapat-dapat na mangyari? Hindi po. Tignan ninyo ngayon, nawawala na ang ating karapatan, inuusig tayo na mga law abiding and God fearing. Ano ang nagawa ng Pangulong Duterte sa ating bansa sa anim na taon? Nakita natin ang kapayapaan, nakita natin ang katahimikan, nakita natin ang pag-unlad, nakita natin ang Build, Build, Build, nakita natin ang NTF-ELCAC, nakita natin ang durogista ay natatakot nang lumabas at tayong mga law abiding and God fearing ang siyang nakakalakad nang matiwasay at may katahimikan, kahit sa hatinggabi, kahit sa madaling araw hindi tayo namomolestiya ng mga kriminal na ayon sa survey 80% ng krimen ay dahil sa epekto ng drugs,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Candidate.
Para maibalik ang hustisya at dignidad ng bawat Pilipino, iginiit ni Pastor Quiboloy ang kahalagahan ng pagpili ng tamang mga kandidato sa darating na halalan.
Sa hanay ng Duterte Senatorial Slate, tiniyak niyang kanilang ipaglalaban at poprotektahan ang karapatan ng bawat mamamayan—hindi nila hahayaan na may isa pang Pilipino na isusuko sa dayuhan nang walang due process.
Hindi nila papayagang maulit ang sinapit ni dating Pangulong Duterte, na walang paglilitis na dinakip at dali-daling nilipad patungong The Hague Netherlands, hinubaran ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa isang lehitimong hukuman.
“Kung inaapi-api ka, kung saan man ang aking gobyerno o ating gobyerno sa aming pamamahala ay mananagot para sa iyo. Tutulungan ka at dadalhin kang muli sa iyong mga karapatan at ipagtatanggol ka pagka ikaw ay Pilipino. Kahit saan mang lupalop ka, ipagtatanggol ka ng pamahalaan. Hindi namin ipagkakanulo ang iyong karapatan bilang Pilipino. Kaya, vote straight PDP-Laban, ang 10 na mga senatoriables under PDP-Laban ay i-straight po ang inyong boto para maipagtanggol namin ang inyong mga karapatan diyan sa ating pamayanan, sa ating Kongreso, sa ating Senado,” ayon pa sa Butihing Pastor.
Numbers game ang sistema sa Senado o dapat makakuha ng mayorya ng suporta sa bawat 24 na halal na senador para isulong o pigilan ang mga hakbang ng pamahalaan gamit ang pagpapasa ng mga panukalang batas.
At kung manalo silang 10, sina Pastor Quiboloy, Reelectionists Bong Go at Bato Dela Rosa, mga abogado na sina Vic Rodriguez, Jimmy Bondoc, Raul Lambino, Rodante Marcoleta, at Jayvee Hinlo pati na ang artistang si Phillip Salvador, maging ang manggagamot na si Dr. Richard Mata na pormal na ring iniindorso ng dating Pangulo ay tiyak na mas magiging independent ang Senado sa 20th Congress.
Numero uno sa sinusulong ni Pastor Quiboloy ang death penalty laban sa mga korap sa gobyerno.
Kaya panawagan ng Butihing Pastor sa mga Pilipino, suportahan siya at ang lahat ng Duterte endorsed senatoriables para magkaroon ng Duterte bloc sa Senado.
“Mananagot po ang administrasyong ito sa kanilang ginawa sa ating pangulo, sa kanilang ginawa sa KOJC. At ipagtatanggol natin ‘yan sa Senado ‘pag tayo ay nailuklok na sa pamamagitan ng inyong mga boto. Kaya muli idalangin natin ang ating Pangulong Duterte na sa madaling panahon ay maibalik siya dito sa ating bansa at muling tahakin ang kaniyang mga karapatang kanilang inabuso na ito ay ating ipagtatanggol,” ayon pa kay Pastor Quiboloy.
Follow SMNI News on Rumble