Pastor Quiboloy nagpahayag ng matinding simpatya sa pamilya Duterte at sambayanang Pilipino

Pastor Quiboloy nagpahayag ng matinding simpatya sa pamilya Duterte at sambayanang Pilipino

RAMDAM na ramdam ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Founder ng Kingdom Jesus Christ (KOJC) ang hirap na nararanasan ng pamilya Duterte.

Ayon kay Pastor Quiboloy, labis siyang nababahala at nagulat sa mga ulat ukol sa nangyari sa Villamor Airbase kamakailan, kung saan diumano’y pinilit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lumipad patungong The Hague, Netherlands na labag sa kaniyang kalooban, upang humarap sa isang paglilitis na, ayon sa kaniya, ay hindi makatarungan.

“I deeply empathize with what you are experiencing now. I am horrified by the news of what transpired at Villamor Airbase, where Tatay Digong was reportedly held and coerced to fly to the Netherlands against his will to face a trial that the world knows is not necessarily legal,” mensahe ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Founder, KOJC.

Ipinahayag din ni Pastor Quiboloy ang kaniyang simpatiya sa paghihirap ng pamilya Duterte, na tanging dalawang abogado lamang na sina Atty. Martin Delgra at dating Executive Secretary Salvador Medialdea ang kasama nila habang pinaligiran ng daang-daang pulis, at kalaunan ay sapilitang inihiwalay sa dating Pangulo.

“I also sympathize with the anguish of his family, who were vastly outnumbered by a phalanx of uniformed police officers, accompanied only by two lawyers—Atty. Delgra and Atty. Medialdea—and ultimately separated from FPRRD,” ayon pa sa Butihing Pastor.

Hindi rin nakalimutan ni Pastor Quiboloy ang mga hirap na dinaanan ng KOJC noong nakaraang taon kung saan libu-libong mga pulis ang kumubkob sa mga compound ng KOJC noong Hunyo 10 at ang 16-day siege mula Agosto 24 hanggang Setyembre 8.

Aniya, nakababahala ang mga ganitong pangyayari para sa mga Pilipino dahil taliwas ito sa ating kultura at ang kakulangan ng malasakit, respeto, at dignidad na ipinakita ng mga awtoridad ay tunay na hindi katangian ng isang Pilipino.

“Mga kababayan, it has not been long since KOJC endured a terrible ordeal on June 10 and August 24–September 8 during the 16-day siege of KOJC compounds. These events are shocking to the Filipino psyche because such actions are uncharacteristic of our culture. This lack of compassion, respect, honor, and dignity displayed by our law enforcers is profoundly un-Filipino,” emosyonal na pahayag ni Pastor Quiboloy.

Bilang dating Pangulo, tinugis nito ang mga kriminal upang protektahan ang mga mamamayang Pilipino. Ayon pa kay Pastor Quiboloy, sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Duterte, naranasan ng bansa ang kapayapaan at kaayusan, at umunlad ang ekonomiya.

“As a former president, Tatay Digong pursued criminals to protect the Filipino people. Under his leadership, we experienced relative peace and order; the economy thrived; citizens felt secure; and law-abiding Filipinos were happy and grateful,” pagbibigay-diin ni Pastor Quiboloy.

Kaya, ani Pastor Quiboloy, lantarang hindi maka-Pilipino ang ginawang pagtrato sa dating Pangulo kung saan siya’y hindi inirespeto at siya at ang kaniyang pamilya ay tinanggalan ng dignidad; maging si Vice President Sara Duterte ay hindi trinato nang maayos.

“It is utterly un-Filipino to treat him with disrespect and strip him and his family of their dignity. For God’s sake, he was the former president, and his daughter—the current Vice President—is also being treated poorly,” ayon pa kay Pastor Quiboloy.

Aniya, tila ang kawalan ng batas ang namamayani ngayon sa ating bansa.

Nananalangin si Pastor Quiboloy para sa Divine Intervention upang protektahan tayo hindi lamang mula sa mga kriminal, kundi pati na rin mula sa mga nasa kapangyarihan na dapat sana ay ginagamit ang kanilang awtoridad upang pangalagaan ang mga mamamayang Pilipino, imbes na gipitin at usigin sila.

“Unlawfulness and illegality seem to dominate today’s landscape. I am praying for Divine Intervention to protect us not only from criminals but also from those in power who should be using their authority to safeguard the Filipino people instead of oppressing and persecuting them,”  paliwanag ni Pastor Quiboloy.

Hinihimok din ni Pastor Quiboloy ang bawat isa na manalangin para sa kapayapaan at pagkakaisa ng bansa kung saan ang mga mamamayan na sumusunod sa batas at may takot sa Diyos ay mararamdaman na sila’y ligtas at protektado ng mga awtoridad na kanilang inihalal.

“Let us all pray for peace, love, and compassion to reign in our beautiful land once more—a land where law-abiding and God-fearing citizens feel safe and protected by the authorities we elected into office,” paghimok ni Pastor Quiboloy sa mga Pilipino na manalangin.

Nanawagan si Pastor Quiboloy na sana’y maghari ang takot at pagmamahal sa Diyos sa puso ng mga namumuno sa ating bansa.

“May the fear and love of God reign supreme in the hearts of our nation’s leaders,” panalangin ni Pastor Quiboloy, ang butihin at matalik na kaibigan ni dating Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble