Pataasin ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea, muling pinagtibay

Pataasin ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea, muling pinagtibay

MULING pinagtibay sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Korea (PH-ROK) na pataasin ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Ang pagpupulong ay ginawa ni Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo kay Foreign Minister Park Jin ng Korea sa sideline ng 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York noong 19 Setyembre 2022.

Nangangako ang parehong mga opisyal na itaas ang bilateral na relasyon ng PH-ROK sa isang estratehikong partnership, na pinagtutuunan ng malalim at malapit na ugnayan na umabot na ng mahigit pitong dekada.

Sa pagpupulong, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang opisyal sa rehiyon at internasyonal na mga pag-unlad.

Follow SMNI NEWS in Twitter