BENTE kilong presyo ng bigas, PDEA Leaks, PhilHealth, isang milyong housing unit kada taon at marami pang iba.
Ilan lamang iyan sa mga tanong ng taong bayan na hanggang ngayon ay tila naging bingi ang Marcos admin.
Sinabi ni dating Press Secretary Atty. Trixie Angeles, nabantayan nito na sa nakalipas na dalawang SONA ni BBM, ipinagmamalaki nito ang numero ng pagtaas sa agricultural sector.
Budol naman aniya ang kaniyang sinasabi dahil hindi naman bumababa ang presyo ng bigas.
Sa halip ay lalo pa aniyang tumataas ang presyo ng lahat ng mga bilihin dahil sa walang katapusang pag-iimport.
“Dahil nagpa- import ng nagpa -import ang ating pangulo,lalong nagmamahal ang presyo ng lahat ng bilihin ,alam nyo kung bakit?kasi pag naiimport tayo ang gamit natin dolyares ,so pagbumili tayo abroad mas maraming pesos ang kailangan para sa bibilihin natin kahit hindi dumadami ang iniimport,” ayon kay Atty. Trixie Angeles.
Dahil dito, 26 milyong Pilipino sa bansa ang nakararamdam ng kahirapan.
“Mr. President gutom na kami! Mr. President hirap na kami! andiyan ang surveys tingnan ninyo, 58% ng mga pamilya dito sa Pilipinas hirap, impoverished, dukkha,’’ dagdag nito.
Hindi rin ramdam ng nakararaming Pilipino na tumutulong ang kasalukuyang administrasyon sa mga naghihirap na Pilipino.
Ito naman ang panawagan ng mga Pilipino kay Marcos Jr.
“Mr. President matapos ang SONA, magtrabaho ka naman. Mr. President, magtrabaho ka naman, magtrabaho ka naman, magtrabaho ka naman, kasi ang mga taong bayan na naniningil sayo, ay Maisug,” saad ni Atty. Angeles.