SAMPAL sa inilabas na wanted poster ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang pagla-live pa rin ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa social media.
Ayon ito kay Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga legal counsel ng The Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa naging press briefing ngayong araw, Pebrero 6.
Gabi noong Sabado, Pebrero 5 ang pinakalatest na live ni Pastor Apollo sa Facebook kung saan naghandog ito ng Anointed Songs of Healing.
Sabado rin ng umaga ng kumalat ang naturang wanted poster ng FBI.
Ibig sabihin lang nito ayon kay Atty. Topacio, hindi takot si Pastor Apollo sa nasabing wanted poster dahil hindi totoo ang nilalaman nito.
Sinabi pa ni Topacio, walang kwenta ang wanted poster na ito ng FBI dahil hindi naman nagtatago si Pastor Apollo.
Kunting Google at YouTube lang aniya ay malalaman na kung nasaan ang butihing pastor.
Layunin lang ng FBI na ipahiya ang mga prominenteng tao gaya ni Pastor Apollo.
Batay sa inilabas na wanted poster ng FBI, may kaso hinggil sa umanoy sex trafficking si Pastor Apollo at dalawa pang ibang kasamahan nito.
BASAHIN: Timing ng paglabas ng FBI sa wanted poster ni Pastor Apollo C. Quiboloy, kinuwestiyon