Patuloy na pagtatago ni Cong. Teves, palatandaan na guilty—SOJ Remulla

Patuloy na pagtatago ni Cong. Teves, palatandaan na guilty—SOJ Remulla

NANINIWALA si Justice Secretary Crispin Remulla na indikasyon ng pagiging guilty ng isang tao kung patuloy itong nagtatago at ayaw humarap sa imbestigasyon.

Ito ang sagot ni Remulla sa tanong kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin lumalantad si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Sinabi pa ng kalihim na batay sa pahayag ng mga abogado ni Teves ay pag-aaralan pa kung dadalo sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ang kongresista.

Samantala, kinumpirma naman ni Remulla na naipaalam na nila sa interpol ang usapin tungkol sa mambabatas.

Magugunitang si Cong. Teves ay itinuturing na isa sa mga mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter