NANAWAGAN si Marino Party-list Rep. Sandro Gonzalez sa mga Filipino seaman na patuloy lamang sa skills upgrade.
Ang panawagan ay ginawa matapos bawiin ng European Commission ang banta na itigil ang pagkilala sa Philippine-issued training certificates ng mga marinong Pinoy dahil sa non-compliance sa kanilang standards.
Welcome development ito kay Gonzalez at iginiit na ang hakbang ng komisyon ay pagkilala sa malaking ambag ng Filipino seafarers sa European Flag vessels.
Payo naman nito sa mga Pinoy na ipagpatuloy ang skills upgrade para maging competitive sa ibang lahi sa larangan ng seafaring.
Hinimok din nito ang sektor na huwag sayangin ang patuloy na job opportunity na alok ng Europe sa sektor at patuloy na ipakita ang galing ng mga Pinoy seaman.
‘’Huwag nating sayangin itong tsansang binigay sa atin, the continued recognition. Ipakita natin sa buong mundo kung bakit number 1 pa rin ang mga Marino pagdating sa seafaring,’’ ani Gonzalez.
Aminado naman ang European Commission sa napakalaking ambag ng nasa 50,000 Filipino seaman sa kanila.
Katunayan, ‘Filipino masters and officers’ ang tawag nila sa mga seaman natin.