KINILALA ng Kamara ang patuloy na tagumpay ng Filipino pole vault athlete EJ Obiena sa larangan ng palakasan.
Inadopt sa plenaryo ang House Resolution 765 ni Speaker Martin Romualdez na kumikilala sa dalawang gold medal wins at bronze medal win ni Obiena kamakailan.
“What EJ Obiena has achieved has once again brought honor to the Philippines in the world stage. His accomplishments deserve our highest honors and recognition,” saad ni Romualdez.
Nitong January 29, napanalunan ni Obiena ang kanyang unang gold medal ngayong taon sa France, habang sa isang tournament sa Sweden naman nito nakuha ang bronze medal.
Ang ikalawang gold medal nito ay napanalunan sa Poland.
Nais naman ng Kamara na magawaran si Obiena ng scholarship ng International Association of Athletics Federations (IAAF).
Binigyan naman ng kopya ng resolusyon si Obiena.