HINDI na muna makapaglalaro ng 2 hanggang 3 linggo si Los Angeles Clippers swingman na si Paul George.
Ito’y dahil nakapagtamo siya ng sprain sa kaniyang kanang tuhod ayon sa National Basketball Association (NBA).
Nakuha ito ni George sa naging laro nila kontra Oklahoma City Thunders kung saan natalo ang koponan nilang Clippers sa iskor na 101-100.
Maaaring malaking dagok para sa Clippers ang pagpapahinga ni George.