Mga pasahero ng LRT-2, tumanggap ng edible roses mula sa LRTA

Mga pasahero ng LRT-2, tumanggap ng edible roses mula sa LRTA

MAAGANG nagpakilig sa mga commuter ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga tauhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ngayong umaga ng Valentine’s Day.

Sa Antipolo Station ng LRT-2, nakatanggap ang mga pasahero ng hindi lang basta rosas kundi mga rosas na gawa sa pastillas.

Pinangunahan ni Transportation Asec. Jorjette Aquino at LRTA Administrator Hernando Cabrera ang pamamahagi ng edible roses.

Namahagi rin sila ng mga teddy bears para sa mga pasaherong may kasamang bata.

Mayroon ding photobooth para sa mga pasaherong nais mag-selfie o mag-groufie.

Ayon kay Cabrera, ang mga ito ay pasasalamat nila sa mga pasahero sa pagtangkilik sa LRT-2.

Hakbang din aniya ito para mapataas ang ridership ng nasabing linya ng tren.

Kumpara sa 400,000 na ridership kada araw sa LRT-1 at MRT-3, nasa 150,000 hanggang 160,000 lang ang pasahero kada araw ng LRT-2.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble