POSIBLENG makapag-detect ng impeksyon ng COVID-19 ang isang aparato sa Thailand gamit lamang ang pawis sa kili-kili.
Bumubuo ngayon ang mga mananaliksik mula sa bansang Thailand ng isang ‘sweat-based mobile virus detector’.
Una itong sinubukan sa mga tindera ng food market sa isang kalsada sa Bangkok ngayong linggo.
Ayon kay Chadin Kulsing mula sa Chulalongkorn University, base sa mga sample na kanilang nai-test, naglalabas ng isang partikular na chemical ang isang tao na positibo sa COVID-19.
Dagdag ni Kulsing, 95% accurate ang resulta ng test kaya naman umaasa ito sa posibilidad na maging alternatibo ang naturang test.
Samantala, kasalukuyang nasa development stage pa ang naturang aparato.