PINANGUNAHAN ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang payout sa mahigit 3,000 katao na nakatanggap ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa Davao City.
Ayon sa tanggapan ni Rep. Duterte, ang TUPAD program na isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay mayroong kabuuang 5,430 katao ang nag-apply.
Ang nasabing programa ay bukas para sa lahat, tulad ng mga karpintero, street vendors, unemployed residence, shine boys, senior citizen, at biktima ng sunog.
Noong Biyernes, Hunyo 2 nagsimula ang pamamahagi ng payout hanggang sa kasalukuyan at mahigit 3,422 na katao ang nakatanggap.
Nangako naman si Duterte na magpapatuloy ang kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan.
Tiniyak din ng DOLE na magpapatuloy ang TUPAD program.