MAAARING makansela ngayong taon ang All-Star festivities ng Philippine Basketball Association para sa Season 49.
Ito’y dahil hindi magiging available ang inaasahang host sa nakatakdang petsa, ayon kay Commissioner Willie Marcial.
Sa kaniyang paliwanag, bigo silang makipagkasundo sa lalawigang pinagpaplanuhan nilang pumalit sa Davao bilang host ng taunang all-star event.
Hindi na ibinahagi ni Marcial kung aling lalawigan ang kanilang tinutukoy.
Ang all-star weekend sa Davao ay nakatakda sana sa Mayo 2–4, 2025.