PBA Governors’ Cup, pansamantalang sinuspinde dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa

PBA Governors’ Cup, pansamantalang sinuspinde dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Governors’ Cup dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, mahalaga ang kaligtasan at kalusugan ng lahat kaya mas minabuti nila na pansamantalang suspendihin ang liga o Governors’ Cup.

Maliban dito, hindi rin muna papayagan ang lahat ng koponan na magsagawa ng team scrimmages o practice game.

Papayagan naman ng PBA ang pagsasagawa ng training ngunit limitado lamang ito sa apat na manlalaro, isang coach, at isang safety officer.

Magugunita na una ng sinuspinde ng PBA ang laro ng liga sa unang linggo ng Enero matapos isailalim sa alert level 3 ang National Capital Region dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.