“PBA player of the week’’ Chris Ross, pinangunahan ang Beermen sa panalo

“PBA player of the week’’ Chris Ross, pinangunahan ang Beermen sa panalo

PINANGUNAHAN ni Chris Ross ang San Miguel sa back-to-back na laban ng koponan at nakuha ang panalo sa PBA Commissioner’s Cup Elimination Phase.

Nakuha ni Ross ang 22 puntos sa score na 95-82 laban sa Kings, at 98-93 laban sa Tropang Giga.

Nakapasok ang 3-points ni Ross laban sa Ginebra maging ang napapanahong treys nito na nagpataob sa Kings.

Sa dalawang laro, nakuha ng Beermen ang panalo hanggang sa quarterfinals.

Sa kabuuan, nakuha ng San Miguel player ang average na 67% shooting mula sa field, kabilang ang mataas na 58% sa beyond the arc (7 of 12) ng defensive player na si Ross.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble