PBA, SBP, pag-uusapan pa ang pagpapahiram ng mga manlalaro para sa 2023 Asian Games

PBA, SBP, pag-uusapan pa ang pagpapahiram ng mga manlalaro para sa 2023 Asian Games

PAG-uusapan pa ng Philippine Basketball Association (PBA) at Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang pagpapahiram ng mga manlalaro para sa 2023 Asian Games sa Hangzou, China.

Kasunod ito ng desisyon ni Coach Chot Reyes na umalis bilang coach ng Gilas Pilipinas at hindi rin available ang ibang miyembro ng national team para sa Asian Games.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ngayong linggo ay inaasahan nila ang tawag ni SBP President Al Panlilio para sa susunod na hakbang ng basket federation.

Pero nilinaw ni Marcial, hindi siya sigurado na makapagpadala siya ng team lalo na nasa bakasyon pa ang ibang players mula nang matapos ang PBA on Tour noong Hulyo.

Pero tiniyak naman ng PBA na tutulong kung ano ang magiging desisyon ng SBP.

Follow SMNI NEWS on Twitter