NAKATAKDANG magsagawa ang PBA ng All-Star Weekend sa unang pagkakataon simula noong 2019 bago ang COVID-19 outbreak kung saan susundin din nito ang format ng NBA.
Idadaos ang 2023 PBA All-Star Weekend sa Passi, Iloilo simula March 9-12 na hudyat ng pagbabalik ng showcase event na hindi naidaos ng 3 taon dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Sa bagong format, imbes na North vs. South All-Stars, susundin ng PBA ang format ng NBA kung saan ang mga mangungunang vote-getters ay makakapag-draft ng kanilang teammates para sa laro.
Paliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial, mamimili ang fans ng 24 na manlalaro at doon sa top 24, kukuha ng dalawang captain ball at palitan silang mamimili ng kanilang teammates hanggang sa makabuo ng isang team.
Bukod dito ay fans na rin ang mamimili ng mga coach para sa dalawang All-Star teams.
Magsisimula ang botohan sa January 25 sa parehong online at game venues at magtatapos ito sa February 15.