BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ito ay sa gitna ng isinagawang bilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama si Prime Minister Anthony Albanese ngayong Pebrero 29.
Ang mga pinuno ng estado ay nakibahagi sa mga talakayan na naglalayong i-optimize ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang dito ang ugnayan sa mga larangan ng defense, maritime cooperation, non-traditional security concerns, trade and investment, development cooperation, multilateral collaboration, at people-to-people linkages.