NAGKAROON ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Prime Minister Anthony Albanese ng Commonwealth of Australia nitong umaga ng Biyernes sa Palasyo ng Malacañang.
Tinalakay ng dalawang lider sa pulong ang ‘priority areas of cooperation’ sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Parehong isusulong ng dalawang bansa ang pangunahing sektor na kinabibilangan ng defense at security, trade, economic development, maritime cooperation, at iba pa.
Bago nito, malugod na tinanggap ni Pangulong Marcos si Prime Minister Albanese sa gitna ng official visit nito sa Pilipinas mula Setyembre 7-8 ngayong taon.
Ginawaran ng arrival honors si Prime Minister Albanese sa Malacañang Grounds kasama ang kaniyang delegasyon at nilagdaan ang guestbook bago magpatuloy sa isang tête-a-tête kasama si Pangulong Marcos.
Ito ang unang pagbisita ng Australian Prime Minister sa Pilipinas mula noong 2003.
Ipinagdiwang ng dalawang bansa ang 75 taon ng bilateral relationship at diplomatic ties noong 2021.