PBBM at LGUs, katuwang ng DOH sa ilulunsad na “PinasLakas”

PBBM at LGUs, katuwang ng DOH sa ilulunsad na “PinasLakas”

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na makakatuwang nila si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at mga local government units sa booster campaign o tinawag na “PinasLakas” na ilulunsad sa Hulyo 26.

Sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na layunin ng programa na mabakunahan ang 90 porsiyento ng target population sa mga senior citizen at mabigyan ng booster ang 50 porsiyento ng target population kasabay sa ika-100 araw ng administrasyong Marcos.

Ipinaliwanag ni Vergeire na isasagawa ang pagbabakuna sa mga palengke, lugar ng trabaho, eskuwelahan, transport terminals, at iba pa.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Vergeire ang publiko na makibahagi sa “PinasLakas campaign” sa pamamagitan ng pagpapabakuna o booster shots para mas lumakas ang immunity.

Follow SMNI NEWS in Twitter