PBBM at VP Duterte, posibleng magkaroon ng hidwaan sa pagpasok ng Afghan refugees sa bansa—FPRRD

PBBM at VP Duterte, posibleng magkaroon ng hidwaan sa pagpasok ng Afghan refugees sa bansa—FPRRD

POSIBLENG magdulot ng hidwaan sa pagitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte sakaling magdesisyon ang Pangulo na papasukin ang mga Afghan national sa bansa habang tutol naman dito ang bise presidente.

Ito ang inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” nitong Lunes.

“I would make a bold prediction, that would cause a kusot, a warp maybe something there. And I do not know, mas kilala mo ang anak ko kaysa ako, you know the way Inday thinks and reacts,” pahayag ni FPRRD.

Una nang nagpahayag ng pagtutol si Vice President Sara sa hiling ng Estados Unidos na tumanggap ang Pilipinas ng 50,000 Afghan refugees dahil ito aniya’y banta sa ating seguridad at soberanya.

Ibinahagi naman ng dating Pangulo na hindi ito sang-ayon sa total ban sa mga refugee dahil tayo ay bahagi ng United Nations at noon ay tumatanggap din tayo ng mga refugee mula sa ibang bansa.

Gayunpaman, sa sitwasyon ngayon ay kinakailangan aniyang gumawa ng mataas na basehan upang masiguro ang proteksiyon ng ating mamamayan.

“Problema ito, because ako, I am not really for the total banning. Ang gusto ko lang is a standard set in the highest form in the levels of national security that we are really protected as a people,” dagdag ng dating Pangulong Duterte.

“So, under good and substantial terms, I can accept (them). Pero ito, tingnan mo muna sandali kasi they come from a country where it stormed red with terrorism,” diin pa ng dating Pangulo.

Hindi pagpabor ni VP Duterte sa hiling ng Estados Unidos, para sa seguridad ng Pilipinas —FPRRD

Sa kabilang banda, naniniwala si dating Pangulong Duterte na seguridad ng ating bansa ang iniisip ni VP Sara kaya ito tutol sa pagtanggap ng mga Afghan refugee.

“She could maybe projecting something that things won’t be good for us to be hosting guys from Afghanistan which has been rocked with insurgency problems, particularly terrorism. And there’s no guarantee that it is America who are now vetting and asking to be accepted is the correct, unsure excuse in the matter of waving or riding against the entry of (these) nationals,” aniya pa.

Tiwala naman ang dating Pangulo na tulad niya, wala ring bias at walang ibang hangarin ang kaniyang anak na si VP Sara kundi ang interes lang ng ating bansa.

“I’m sure that ‘yang kay Inday, lalo na sa mga bata, you know she is the secretary of education, and anything that will contaminate the young in terms of violent ideology or foreign influence or thinking would not be good for the Philippines, she’s just always for the national interest in terms of national security,” aniya.

Sa huli, inihalintulad ng dating Pangulo sa NPA ang banta sa ating seguridad at binigyang-diin na kailanman ay hindi ito tatanggap ng terorismo sa bansa.

“We will never accept terrorism. I will not accept terrorism. I cannot understand criminals,” pagtatapos ni dating Pangulong Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter