NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pelikulang Pilipino na nakatanggap ng parangal sa isinagawang 2022 Sundance Film Festival.
Sa kanyang social media post, binati ng Pangulo ang mga grupo na nasa likod ng “Leonor Will Never Die” at “The Headhunter’s Daughter” matapos magwagi ng Special Jury Prize for Innovative Spirit at Short Film Grand Jury Prize.
Kasabay nito, hinikayat din ng Pangulo ang mga Pilipino na higit pang suportahan ang local filmmakers sa pamamagitan ng panonood ng mga entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.