PBBM, binati si Alex Eala sa historic win nito sa US Open Junior Girls Singles Championship

PBBM, binati si Alex Eala sa historic win nito sa US Open Junior Girls Singles Championship

BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Alex Eala sa kanyang makasaysayang panalo sa US Open Junior Girls Singles Championship.

Ayon kay Pangulong Marcos, lubos niyang ipinagmamalaki at ikinagagalak ang historic win ni Eala.

Saad ng Punong-Ehektibo, isa na namang Filipina athlete ang nagtaas ng bandila ng Pilipinas at nagbigay ng karangalan sa bansa.

Sa huli, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Alex sa karangalang dala nito sa mga Pilipino sabay hiniling ang lahat ng ikabubuti para sa Pinay athlete.

Follow SMNI NEWS in Twitter