PBBM, binati si VP Sara Duterte sa kaarawan nito

PBBM, binati si VP Sara Duterte sa kaarawan nito

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaarawan ni Vice President Sara Duterte.

Sa kaniyang video message, sinabi ni Pangulong Marcos kay VP Sara na magpakasaya at magpahinga muna sandali sa kaniyang trabaho.

Mensahe pa ni Pangulong Marcos kay VP Sara na bigyan nito ng kaunting oras ang sarili sa pagdiriwang ng kaarawan at huwag nang intindihin ang mga ‘tambaloslos’ sa paligid.

Magugunitang nag-post ng matalinghagang pahayag si VP Sara sa kaniyang Instagram, na tila tinawag ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’

Kadalasang ginagamit ang nasabing salita bilang isang insulto laban sa isang lalaki.

Isa rin itong slang word sa Cebuano language para sa isang tao na puro daldal lamang, walang kakayahan o hangal.

Samantala, nauna na ring ipinahayag ni Pangulong Marcos kay VP Sara na mananatili itong numero unong tagahanga ng bise presidente.

Binansagan ni Pangulong Marcos ang kaniyang sarili bilang official BFF o best friend forever ni VP Sara sa kabila ng aniya’y gulo na nangyayari sa politika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter