PBBM, binigyang-diin ang pagkakaroon ng bawat ahensya ng access sa satellite mapping

PBBM, binigyang-diin ang pagkakaroon ng bawat ahensya ng access sa satellite mapping

BINISITA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ahensya ng Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Lunes, Disyembre 19.

Kasabay nito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang inaugural meeting ng Philippine Space Council (PSC) bilang bagong chairperson ng ahensiya.

Sa naturang pulong, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bawat ahensya ng access sa satellite mapping.

Samantala, nilibot naman ng Punong Ehekutibo ang PhilSA exhibit kung saan ibinida ang iba’t ibang satellite technologies na mayroon ang bansa.

Malaki aniya ang naiambag ng mga satellite ng bansa sa mga gawain ng iba pang mga departamento at ahensya ng gobyerno.

Ito’y lalo na sa pagtugon sa disaster risk reduction and management, environmental protection, climate change, maritime domain awareness, agriculture at iba pang mahahalagang concerns sa Pilipinas.

Ang Philippine Space Council, na nilikha sa ilalim ng Philippine Space Act (Republic Act No. 11363), ay ang pangunahing advisory body para sa coordinating at integrating policies.

Gayundin sa resources at mga programa na may kaugnayan sa space science and technology (S&T) applications.

Sa ilalim din ng batas, dapat aprubahan ng PSC ang implementasyon ng Philippine space policies alinsunod sa international conventions.

Bukod dito, dapat ding tiyakin ang naaangkop na ‘allocation of resources’ upang suportahan ang pagganap ng PhilSA sa mandato nito.

Nakasaad din sa batas na dapat ding aprubahan ng Philippine Space Council ang mga estratehikong direksyon at desisyon para sa pagpapatupad ng PhilSA.

Follow SMNI NEWS in Twitter