TINAPOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang pagbisita sa Northern Samar sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa Philippine Army (PA) 803rd Infantry (Peacemaker) Brigade sa Camp Juan Ponce Sumoroy sa Catarman, Northern Samar nitong Hulyo 14, 2023.
Sa kaniyang mensahe, pinuri ng Commander-in-Chief ang tropa ng pamahalaan sa kanilang matagumpay na pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Ipinagmamalaki naman ng 803rd Infantry Brigade ang sarili nitong transformation roadmap na nag-ambag sa seguridad, kapayapaan at development efforts ng pamahalaan sa buong lalawigan ng Northern Samar at unang distrito ng Samar.
Bago nito, ay pinangunahan ni Pangulong Marcos sa kaparehong araw ang inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road (SPCR) project gayundin ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance at pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa Northern Samar.