NGAYONG Biyernes, March 21, binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) ang mga Caviteño sa Dasmariñas City upang ipresenta ang mga programa at inisyatiba para sa trabaho at serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”
Ang kanyang pagbisita ay naglalayong magbigay ng mga oportunidad at pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko sa probinsya.