NAGTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa probinsiya ng Agusan del Sur ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 16.
Unang aktibidad na pinangunahan ni Pangulong Marcos kaninang umaga ang site inspection sa soil laboratory sa munisipalidad ng Prosperidad sa nasabing lalawigan.
Magkakaroon naman ng situation briefing kaugnay ng epekto ng shear line at low-pressure area sa naturang probinsiya.
At pagsapit ng hapon, pangungunahan ng Pangulo ang distribusyon ng Land Electronic Titles (E-Titles) sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Agusan del Sur.