PBBM, Cambodian PM nagkasundo na pasensiya ang kailangan sa pagresolba sa krisis sa Myanmar

PBBM, Cambodian PM nagkasundo na pasensiya ang kailangan sa pagresolba sa krisis sa Myanmar

NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Sen na pasensiya ang susi sa pagharap sa lumalalang krisis sa Myanmar.

“So perhaps your advice Mr. Prime Minister as you have great experience in this matter, perhaps your advice to be patient, is the best that we can do right now. But we can still do more in terms of engagement in Myanmar. I’m in full agreement with you, Mr. Prime Minister, that, that is the way forward,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ipinunto rin ni Pangulong Marcos na kinakailangan ding tingnan ang takbo ng pulitika sa Myanmar at hikayatin ang mga may kinalaman dito na gawin ang lahat ng posibleng paraan upang maayos na ang gusot sa bansa.

Magugunitang nitong Abril ng nakaraang taon ay nagkasundo ang mga ASEAN member state, kabilang na ang Myanmar, sa five point consensus.

Ito ang kasunduang pangkapayapaan na nananawagan ng pagpapatigil sa kaguluhan sa Myanmar kasunod ng isinagawang kudeta laban kay Aung San Suu Kyi.

Ang nasabing kudeta ay nagdulot ng malawakang kaguluhan sa Myanmar dahil sa napaulat na hindi sinasang-ayunan ng mga sibilyan na maisailalim ang kanilang bansa sa pamumuno ng militar.

 

BASAHIN:

Mga kritikal na isyu sa ASEAN Region, pinag-usapan nina  at Cambodian PM Hun Sen

 

Follow SMNI News on Twitter