PBBM, gagawing accessible sa lahat ang mga serbisyo ng gobyerno

PBBM, gagawing accessible sa lahat ang mga serbisyo ng gobyerno

MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pangako na gawing accessible sa lahat ang mga serbisyo ng gobyerno.

Ito’y habang inatasan niya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lahat ng ahensya ng estado na tiyaking abot-kaya ang lahat ng serbisyong panlipunan.

Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay kasabay ng dinaluhang selebrasyon ng ika-72 anibersaryo ng DSWD at inagurasyon ng bagong gusali ng ahensiya.

Saysay pa ng Punong Ehekutibo, dapat tiyakin na lahat ng lugar sa bansa ay may access para sa mga kinakailangang tulong at serbisyo mula sa gobyerno.

Inaasahan din ni Pangulong Marcos ang pagpapatuloy sa mga programa ng DSWD tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Unconditional Cash Transfer Program, at Social Pension Program for Indigent Senior Citizens.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na mananatiling kasangga ng DSWD ang kanyang administrasyon sa pagbibigay ng maaasahang serbisyo sa bawat Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter