LEAD by example! ‘Yan ang hamon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa mga taga-pamahalaan ngayon.
Lalo na sa kaniyang dating boss at kaibigan na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang hamon? Sumalang ang mga ito sa isang credible drug test.
Sa katunayan, nauna nang nagpa-drug test si Rodriguez kahit pa nasa pribadong sektor na siya para aniya magkaalaman na.
“Simple lang naman, nakapadaling tuldukan. Kung gusto mo exclamation point pa eh hindi ba? Eh undergo a credible drug examination,” pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, Dating Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nag-ugat ang hamon ni Rodriguez matapos ilabas kamakailan ng political vlogger na si Maharlika ang kopya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operations report kung saan tinuturong subject si Marcos Jr. sa isang 2012 anti-drug operations.
Inuugnay si Marcos Jr. sa umano’y paggamit ng cocaine.
Mismong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang nagsabi na mula noon hanggang ngayon ay ‘bangag’ ang kasalukuyang presidente ng bansa.
Pero ang PDEA, sinabing peke ang nasabing report.
“Undergo a credible and acceptable drug examination. Kung mali kung sino ‘di mananahimik na ‘yung mali. Di ba? Hindi pwede ‘yung peke ‘yan peke yan. Ah hindi kasi ganito-kasi ganyan oh eh di magpa-test ka,” dagdag ni Rodriguez.
Samantala, nilinaw naman ni Rodriguez na hindi siya kasama ni Marcos Jr. noong magpa-drug test ito taong 2021 bilang kandidato sa eleksiyon.
Inabot lamang sa kaniya ang resulta ng drug test at iprinisenta sa mga ahensiya ng gobyernong may kinalaman sa ilegal na droga.
Kinukuwestiyon kasi ang 2021 drug test ni Marcos Jr. dahil sa bilis ng pagkuha ng resulta na umabot lamang umano ng dalawang minuto.
“No, I was not with him. When he subjected himself to the drug test. I have answered this many times in the past. Now, what I have is the result. Yes, the result was handed to me. And yes, I was his lawyer, I was his spokesperson, I was his Chief of Staff. So, of course I will have to defend him,” ayon pa kay Rodriguez.
At ngayong dini-demand ng taumbayan bayan si Marcos Jr. na muling magpa-drug test, hair follicle test naman ang panawagan ni Rodriguez dito.
“I agree. Kasi pag na-drug test na ‘yung… using ‘yung test kit or ‘yung urine, meron na namang magku-kuwestyon baka hindi mo ihi yan…Baka uminom ka ng—although walang scientific explanation ito’y naki-kwento ko lang Admar at Carla ah na baka uminom ka kasi ng mga isang galong buko—na washout etcetera. Para matapos ‘yan, gamitin natin ‘yung pinaka-scientificaly reliable which is ‘yung follicle ng buhok doon sa mga nasa gobyerno,” aniya.