MULING ipinangako ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos na ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng Duterte administration.
Sa kanyang naging inaugural speech ngayong araw sa National Museum, sinabi ni Marcos na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte lang ang naging pangulo ng bansa na maraming nagawa.
Kung ikukumpara aniya ito sa lahat ng mga naging chief executive ng Pilipinas pagkatapos ng pamumuno ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr.
Dito na sinabi ni President BBM na anumang proyekto ang nasimulan ni Duterte lalong-lalo na sa imprastraktura ay ipagpapatuloy niya.
Binigyang-diin pa nito na hindi siya interesado na makakuha ng credit o pagkilala at mas ninanais niya pang maitayo at ipatuloy ang tagumpay na nangyayari na ngayon sa Pilipinas.
Ipinangako pa ni PBBM, walang sektor ng bansa ang makakalimutan tungo sa pag-unlad.