PBBM, hinimok ang mga bagong opisyal at Malacañang Press na maging modelo ng kahusayan at integridad

PBBM, hinimok ang mga bagong opisyal at Malacañang Press na maging modelo ng kahusayan at integridad

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mass oath-taking ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang sangay ng gobyerno sa palasyo ng Malacañang.

Kabilang sa mga nanumpa sina Mr. Dennis Anthony Uy bilang Special Envoy to the Republic of Korea for Digital Transformation, Chief of Presidential Protocol Reichel Quinones, ilang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kasama rin sa nag-oathtaking ang mga opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC), Malacañang Cameramen Association (MCA), Presidential Photojournalists Association (PPA), at Press Photographers of the Philippines (PPP).

Sa kaiyang mensahe, umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang newly-appointed officials at opisyal ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno ay patuloy na magpapakita ng kahusayan at integridad habang ginagampanan ang kani-kanilang tungkulin.

‘‘As such, I trust that you will remain models of excellence and integrity, especially to your staff, stakeholders, and communities,’’ ayon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang mga bagong pinuno ay mayroon na ngayong mas maraming pagkakataon upang lumikha ng improvements sa kani-kanilang mga larangan sa trabaho.

Idiniin ni PBBM na ang kanilang hindi natitinag na pangako at presensya ay mahalaga sa mga sektor na kanilang pinaglilingkuran.

‘‘These individuals are leaders and trailblazers in their own professions — exemplars of patriotism, of excellence, and wholehearted service throughout their careers and endeavors,’’ dagdag pa ni Pangulong Marcos Jr.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ang kaniyang administrasyon ay patuloy na magbibigay ng suporta sa nasabing mga tanggapan upang masiguro ang patuloy na pag-unlad sa kanilang mga sektor.

‘‘This administration will spare no effort to provide the support necessary to address the pressing concerns that hinder development in the sectors of our communities under your authority,’’ saad pa ni Pangulong Marcos Jr.

Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang bagong nanumpang opisyal na magtrabaho para sa ikabubuti ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter