PBBM, iginiit na malaki ang benepisyo ng bansa mula sa foreign trips

PBBM, iginiit na malaki ang benepisyo ng bansa mula sa foreign trips

DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang walong foreign trips nito sa walong magkakaibang bansa kasunod ng mga kritisismo na luho lamang ang mga biyaheng ito.

Ayon sa Presidente, kinakailangang makita ng mamamayang Pilipino ang benepisyo na makukuha ng bansa sa halip na patuloy na gumawa ng isyu ukol sa lahat ng nagastos sa mga byaheng ito.

“So in terms of the cost, we have to look at it as ROI, do we bring something back or do we not, as you say we don’t know the exact figures to the cost of everything but for example we came back from China with pledges of 22 billion, let’s say we go out of that actual 1 billion, bawing-bawi lahat ng eight trips, finished, that’s the idea and we did not only go to China, we went to Davos, we went to the EU, we went to ASEAN, we went to APEC so in each of those, many pledges were signed and as I said it is up to us now,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nilinaw ni Pangulong Marcos na magkakaroon ng accountability at transparency sa lahat ng biyaheng ito pero sa ngayon ay hindi pa niya hawak ang listahan sa lahat ng nagastos nito dahil kababalik lamang niya ng bansa mula sa Switzerland.

“We’ll tell them there will be accountability and transparency in everything that we do,” aniya.

“Well I don’t have the figures, I’m sure their figures are somewhere. Well’ I think once we calculated everything because this is the last trip of course we have finished during the weekend and we came back on Saturday,” dagdag ng Pangulo.

Ipinaliwanag din ng Presidente na ang pagdalo sa mga summit ng iba’t ibang komunidad ay makatutulong sa bansa na makahanap ng potensyal na investors na hudyat din ng pakikipagkaisa sa ibang bansa.

“Kailangan nating ipakita ano ang ating ginagawa para naman ang potential investment na dadalhin nila sa Pilipinas, iyon ang halaga na mga biyaheng iyan,” aniya pa.

“Iyon naman pagpunta natin sa mga ganyang conference ay masasabi natin na the Philippines can play this part in fostering and encouraging that cooperation, may lugar tayo we are participating in the issues and the discussion and in our efforts in the community of the nations,” saad nito.

Samantala, nilinaw ng Presidente na ang lahat ng investment pledges na nalikom nito ay sasailalim sa proseso at pagsusuri kung ano ba ang dapat unahin at mahalaga para sa bansa.

Dahil dito, plano ng Pangulo na bawasan ang kanyang pagbibiyahe ngayong taon. foreign trips

“Nasa sa atin iyon kaya’t iyong mga byahe and nabanggit mo na rin at iyong mga byahe ay babawasan na rin namin for the rest of the year, ang dahilan ay kailangan naming balikan lahat itong mga nasimulan sa ASEAN, sa APEC sa China pati yung pagpunta sa EU sa Brussels tapos itong byahe dito sa Davos ay kailangan naming idetalye ang aming pinag-usapan dito kung sino ba dito yung kausap natin, ano ba ang naging usapan natin, oh dito sa lahat ng project na sinasabi ano ba i-prioritize natin diyan, kailangan namin gawin iyong hindi pa namin nagagawa dahil busy kami. Byahe kami nang byahe pero at least mayroon kaming naiuuwi. Ngayon kailangan na nating i-consolidate, kailangan na nating i-follow up, kukulitin na natin iyong mga nakausap natin oh iyong napag-usapan natin, ituloy na natin ang usapan,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa ngayon, ang tanging kumpirmadong summit na dadaluhan ng Pangulo ay ang APEC na gaganapin sa buwan ng Nobyembre sa Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS in Twitter