IMPORTANTE na maipaliwanag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung ano ang nangyayari at sunod-sunod ang pag-resign ng kanyang Cabinet members.
Ayon kay Prof. at Political Analyst Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News, ito’y para mahinto ang kuro-kuro ng publiko hinggil sa isyu.
Subalit kung hindi man din magsasalita ang Pangulo hinggil dito ayon kay Malindog-Uy, wala na aniyang magagawa ang publiko rito.
Ngunit patuloy pa rin aniyang kukwestiyunin ng tao ang leadership style ni PBBM kung walang paliwanag.
Samantala, bagama’t may kaugnayan sa kalusugan ang rason kung bakit bumaba sa pwesto si Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit (COA) Chief Jose Calida, naniniwala si Malindog-Uy na posibleng hindi ito ang totoong dahilan.