PBBM, inaasahang dadalo sa graduation rites ng PNPA cadets

PBBM, inaasahang dadalo sa graduation rites ng PNPA cadets

AASAHANG dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa graduation rites ng nasa 208 Philippine National Police Academy (PNPA) cadets, sa darating na March 10.

Sa pangunguna ni PNPA Director Maj. Gen. Eric Noble, magtatapos ang 4 na taong pag-aaral ng nasa 208 cadets na binubuo ng 174 lalaki at 34 babaeng cadets mula sa 2023 Class Masidtalak.

Mula sa 208 estudyante, 186 dito ay mapupunta sa Philippine National Police, 11 sa Bureau of Fire Protection at 11 sa Bureau of Jail Management and Penology.

Ito ang kauna-unahang PNPA graduation ceremony na dadaluhan ng Pangulo bilang guest of honor at speaker.

Follow SMNI NEWS in Twitter