PBBM, inaasahang lalagda ng isang rice agreement deal kasama ang Vietnam

PBBM, inaasahang lalagda ng isang rice agreement deal kasama ang Vietnam

INAASAHANG lalagda si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Vietnam para matiyak ang suplay ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr., posibleng mangyayari ang paglagda ng MOA sa magiging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Vietnam sa huling bahagi ng Enero 2024.

Dagdag pa ng DA secretary, nabuo na ang plano na ito nang dumalo ang Pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Commemorative Summit noong 2023.

Setyembre 2023 nang unang inalok ng Vietnam si Pangulong Marcos ng isang five-year rice supply deal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble