INIMBITAHAN ni Canada Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bumisita sa Canada sa susunod na taon.
Ito’y para sa selebrasyon ng ika-75 diplomatic relations ng Pilipinas at ng Canada.
Kasalukuyang nasa Indonesia si Pangulong Marcos para dumalo sa ika-43 na ASEAN Summit kung saan nagkaroon ito ng bilateral meeting ni Trudeau sa sidelines ng summit.
Ayon pa kay Trudeau, mahalaga ang Filipino-Canadian Diaspora at matibay ang ugnayan ng Pilipinas at Canada kaya kailangang magpapatuloy ang paglago ng kalakalan at ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa.
Ito na ang ikatlong bilateral meeting ng dalawang leader simula nang maupo si Marcos bilang Pangulo noong 2022.