PBBM, ininspeksiyon ang konstruksiyon ng Pabahay Project sa San Fernando, Pampanga

PBBM, ininspeksiyon ang konstruksiyon ng Pabahay Project sa San Fernando, Pampanga

ININSPEKSIYON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang patuloy na pagtatayo ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa San Fernando City, Pampanga nitong Lunes, Hulyo 3, 2023.

Pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD), ang multi-story housing project, na pinangalanang Crystal Peak Estates.

Ito’y bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na tugunan ang 6.5 milyong backlog ng pabahay sa bansa.

Matatagpuan sa isang 9.8-ektaryang lupain ang proyekto na binubuo ng 27 gusali na may humigit-kumulang 8,000 housing units na kayang tumanggap ng higit sa 10,000 pamilyang Pilipino.

Bukod sa well-designed at well-built environment, ito’y inaasahang magbibigay sa future occupants ng access sa pang-ekonomiya, kultura, at oportunidad sa edukasyon, pati na rin ang mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan na nakaangkla sa paglikha ng isang tunay na sustainable community.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter