PBBM, iniutos sa DOJ ang patuloy na pagpapalaya sa mga PDL na kwalipikado para gawaran ng parole

PBBM, iniutos sa DOJ ang patuloy na pagpapalaya sa mga PDL na kwalipikado para gawaran ng parole

NAGBIGAY ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa persons deprived of liberty (PDLs) na kwalipikadong gawaran ng parole.

Ito ay upang ma-decongest ang correctional facilities ng bansa.

Sa ginawang Cabinet meeting, umaga ng Martes sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na base sa kanyang karanasan at nabatid noong siya ay gobernador pa ng Ilocos Norte, nakakulong ang

karamihan sa mga PDL dahil hindi nila kayang bayaran ang serbisyo ng mahuhusay na abogado.

Samantala, suportado naman ng Punong-Ehekutibo ang plano ng DOJ na ilipat ang hardened criminals sa isang Alcatraz-type prison kung saan ihihiwalay sila sa general population.

Iginiit ni Pangulong Marcos na dapat lang na matigil ang mga patuloy na kriminal na aktibidad ng hardened criminals lalo’t nagagawa pa nilang magdirekta ng mga operasyon kahit nasa likod ng mga rehas.

Ipinunto rin ni Pangulong Marcos ang talamak na katiwalian sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) habang binibigyang-diin niya ang pangangailangan ng paglipat ng mga bilanggo sa special facilities.

Follow SMNI NEWS in Twitter