PBBM, inutusan ang DENR na pahigpitin ang maliit at malakihang pagmimina

PBBM, inutusan ang DENR na pahigpitin ang maliit at malakihang pagmimina

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang kanilang kapangyarihan sa regulasyon sa maliit at malakihang pagmimina.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanyang utos ay upang matiyak na ang mga pamantayan ay na-update at ang mga kumpanya ng pagmimina ay mahigpit na nagpatutupad ng kanilang mga programa sa kaligtasan at kalusugan para sa mga manggagawa.

Ani Pangulong Marcos, gusto niyang ma-legalize ang mga small-scale mining firms kasi madami sa kanila ay iligal, kaya walang protection ang mga minero.

Dagdag pa nito, gusto niyang palakasin ang regulatory framework para maka-operate sila nang legal, upang mabigyan ang mga minero ng tulong at proteksyon para sa ligtas nilang pagtatrabaho.

Samantala ginawa ng Pangulo ang tagubilin sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng DENR sa Malacañang, ayon sa Office of the Press Secretary++.

Follow SMNI NEWS in Twitter